Isang Ama Ang Naglalaro Kasama Ang Anak Sa Hukay Na Kanyang Inihanda Para Sa Kanya!

Reverie

Viral

Ang pinakamasakit na bagay na maaaring mangyari sa isang magulang ay ang pagkawala ng kanyang anak. Hindi lahat ng pag-ibig at pangangalaga sa sansinukob ay maaaring garantiya na ang isang bata ay mabubuhay na mahaba at magkaroon ng malusog na buhay. Nakakasakit ng damdamin kapag ang isang magulang ay walang kakayahang gumawa ng anumang bagay upang isalba ang kanyang anak at kailangang tanggapin ang kanyang hindi maiiwasang paglisan.

Walang sinumang gusto ang maging katulad ng magulang ng 2-taong gulang na si Zhang Xin Lei, na dumadaan sa pinakamalungkot na bangungot na maaaring maranasan din ng ibang magulang. Si Zhang Xin Lei ay may karamdaman na nangaling sa Thalassemia, isang sakit sa dugo na gumagawa ng abnormal na anyo ng hemogoblin.

Ang paggamot sa sakit na ito ay napakamahal at ang kanyang mga magulang ay gumastos na ng £ 11,000 para sa kanyang gamot. Ito ay nakuha nila mula sa kanilang mga trabaho at sa mga donasyon ng mga mabait na mga tao.

Sa kasamaang palad, ito ay isang panghabang buhay na paggamot at hindi na kayang bayaran ng kanyang mga magulang. Wala silang mapagpipilian kundi tanggapin na ang kanilang pinakamamahal na si Zhang Xin Lei ay lilisan na sa madaling panahon. Nagsimula ang kanyang ama sa paghahanda para sa kanyang libing at libingan.

Ang mas masakit pa dito ay dinadala ang 2 taong gulang na bata sa libingan na inihanda ng ama upang masanay siya kung kailan man dumating ang oras na ito.

Walang magulang na kailangang harapin ang ganitong uri ng sitwasyon. Ang kanilang kuwento ay naging viral at umaasa kami na mas maraming tao ang tutulong sa kanyang mga magulang at sa tulong ng Panginoon ay humaba pa ang kanyang buhay.

Panoorin ang video dito:

Anu ang masasabi niyo dito? Ipaalam sa amin sa pamamagitang ng pag-iwan ng kumento sa ilalim.