Isang Konduktor Ang Nagsauli Ng Bag Na May Laman Na 1.5 Milyon! Pero Hindi Niya Inaasahan Ang Kanyang Natanggap Na Gantimpala

Jaycee

Inspiring

Isang lalaki ang nakatanggap ng bag ng candies pagkatapos isauli ang bag na naglalaman ng 1.5 million pesos na naiwan ng isang pasahero.

Tuwing makakarinig tayo ng mga ganitong mga kwento, nagbibigay ito ng ligaya at pag-asa na merong pa talagang natitirang mga tao na may mga mabubuting puso at gumagawa ng mabuti. Marahil ay napapa-isip na tayo kung meron pa bang mga mabubuting tao sa mundo, oo, meron pang mga taong may mabubuting kalooban tulad na lang ng konduktor na ito.

Kamakailan lang ay may isang marangal na konduktor ng bus ay nagbalik ng isang nakalimutan backpack na naglalaman ng higit sa isang milyong baht sa cash (halos 1.5 milyon sa php) ng isang pasahero. Ngunti mas magugulat kayo sa gantimpalang kanyang natanggap pagkatapos gawin ito.

Ang konduktor ng bus na may numerong 511, na bumabyahe sa kalye ng Bangkok, ay nagdala ng backpack na puno ng 1.2 milyong na cash sa lokal na pulis. Sabi ng konduktor ay naiwan daw ito ng lalaking pasahero sa kanyang upuan.

Sinabi ng konduktor sa pulisya na naalala niya ang itsura pasahero at inilarawan ito sa pulisya.

Ayon sa ulat, nang napansin ng lalaki na nawala ang kanyang bag ay pumunta siya sa estasyon ng Prakarn. Doon ay nakuha niya ang kanyang bag na may lamang pera at binigyan ng 2 bag ng kendi ang konduktor bilang gantimpala sa pagbalik ng kanyang bag.

Karamihan sa konduktor ay medyo masaya na at ibinigay ang mga candies sa kanyang anak.

Ang pagkakakilanlan ng lalaki na nakaiwan ng bag ay kilala na ngayon at siya ay isang doktor.

Ano ang masasabi ninyo sa kwento? Ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iwan ng komento sa ibaba.