Ang Lalaking Ito Ay Umuwi Sa Bahay Nila Galing Trabaho At Laking Gulat Niya Ng Makita Ang Asawa Na May Katabing Lalaki Sa Kanilang Kama.

Jaycee

Viral

Isipin mo na dumating ka sa bahay mo at madadatnan mo pa lang may kasamang iba ang asawa mo sa mismong kama ninyo.

Kung sa ibang tao ito nangyari, siguradong meron ng hiyawan at sigaw na iyong maririning. Ang iba naman ay siguradong magwawala at magtatapon ng gamit. Ngunit hindi ito katulad ng lalaking ito na mula sa Texas, USA.

Ang lalaki ang nakilala bilang si Duston Holloway na umuwi galing sa trabaho na nadatnan ang asawa na may katabi na ibang lalaki suot pa ang kanyang t-shirt.

Kinuha ng lalaking ito ang kanyang cellphone at mahinahong nag-snap ng mga litrato. Nakuha pa ng lalaking ito na mag-selfie kasama nila. Oo, tama ang narinig niyo! Ibang klase no?

Sa halip na sumigaw at magwala, mahinahong siyang kumuha ng mga litrato ng kanyang asawa at kabet nito. Nakuha niya rin mag-selfie. Gamit ang Facebook, ibinahagi niya ang mga litrato na may caption na:

“when you come home to another man in your bed with the one you loved! Good men deserve good women.”

Ang mga litrato ay naging viral sa social media and ang mga netizens ay nagtanong bakit hindi siya nagwala at nagalit.

Inamin ng lalaking ito na gusto niyang sipain ang kabet ng asawa at nagsabi:

“but I calmly just took selfies and walked like a boss lol”. “I did tap her to wake her up but she was drunk as a skunk passed out … I was gonna ask if I was gonna have to sleep in the spare bedroom and what kinda breakfast the dude liked lmao”.

Dahil sa nangyari, si Duston ay nakatanggap ng mga mensahe galing sa mga kaibigan at mga hindi kilalang tao upang batiin siya sa kanyang ginawa. Nag post din siya ng follow-up sa Facebook na nagsasabi na: “the world ain’t as bad as we think”.

Anu ang masasabi ninyo dito? Ibahagi sa amin ang inyong mga komento sa ilalim.