Ang Simpleng Bahay Na Ito Ay Nagpagulat Sa Karamihan Nang Makita Nila Ang Loob Nito!

Jaycee

Lifestyle

Ang kasabihang “Don’t judge a book by it’s cover” ay maaaring isang luma at paulit-ulit na sinasabi ngunit ang katotohanan sa likod nito ay walan paring kupas. Ang isang tao o bagay ay hindi dapat hinuhusgahan ng dahil lamang sa labas na kaanyuan. Tulad na lamang ng isang bahay na ito na simple lamang sa labas hanggang sa makita ninyo ang luob nito.

Ang bahay na pinag-uusapan natin ay ang itinampok sa isang pahina sa Facebook na tinatawag na The Viral Stories.

Makikita ninyo sa litrato ng bahay na ang itsura ng labas ng bahay na ito ay hindi kaaya-aya. Makikitang luma na talaga ang bahay, kasama na ang bubong at pintura nito. Ang gates nito ay hindi rin perfect ang pagkakagawa at ang ilang mga gamit ng may-ari ay naiwan na lamang na tambak sa labas ng bahay nito.

Gayunpaman, ang susunod na larawan na kinuha sa loob ng bahay ay magbibigay ng ibang kuwento. Ang loob ay maganda at nagbibigay ng malinis na ambiance dahil puting sahig at pader nito. Sa loob ay makikita din ang isang chandelier na talagang maganda sa mata at nagdaragdag ng pagiging sopistikado sa silid.

Ang living room ay tila galing sa inspirasyon ng isang minimalist dahil ang nandito lamang ay ang telebisyon na matatagpuan sa gitna ng silid kasama ng iilang painting.

Ang silid-kainan din ay nakaayos na nagbibigay ng isang pakiramdam ng labis na pananabik upang umupo at tangkilikin ang masayang oras ng pagkain kasama ang pamilya.

Nagtatampok din ang kusina na may itim at puti na motif ng bahay. Sa unang tingin, masasabi ninyo na ang silid ay talagang dinisenyo upang ma-maximize ang lugar para sa mga gawain at imbakan ng mga sangkap na lugar ay nakaayos nang mabuti.

Kung ito man ay totoo o hindi, sa susunod na pumunta ka sa bahay ng isang kaibigan o kamag-anak, dapat mo munang tingnan ang loob at huwag lamang hatulan ang isang bahay sa pamamagitan ng pagtingin sa labas. Sino ang nakakaalam? Baka ma surpresa kayo sa makikita niyo sa loob nito.