Isang Pulis Ang Nagpasaludo Sa Karamihan Pagkatapos Itong Gawin Sa Babaeng may Deperensya Sa pag-Iisp.

Jaycee

Inspiring

Ang may ginintuang pusong pulis na ito ay nilibre ang isang babaeng may kapansanan sa pag-iisip ng meryenda.

Kung minsan, ang maliit na kabutihan ay malayo ang napupuntahan at malaki na para sa talagang nangangailan. Katulad na lamang sa mabait na pulis na ito na nagpukaw sa atensyon ng libu-libong tao sa social media dahil sa kabutihang ipinamalas sa babaeng may deperensya sa pag-iisip. Ang mga kwento tulad nito ay siguradong magbibigay sa atin na pag-asa sa sangkatauhan.

Habang ang ilang mga pulis ay abala sa tokhang, ang pulis na ito ay pinili na gumugol ng panahon sa isang babae na may sakit sa isip. Tinawag siya ngayon bilang ‘loding pulis’ sa social media, ang nakilalang pulis ay nahuli sa cam habang kusang ibinigay sa babae ang kanyang meryenda.

Ayon sa isang ulat mula sa Definitely Filipino, ang dalawa ay nakitang nag-uusap sa isang bench sa publiko. Pagkalipas ng ilang sandali, ang pulis ay umalis at bumalik na may meryenda para may kapansanan na babae. Habang nag-uusap, ang dalawa ay kumakain ng burger at umiinom ng soda.

Dahil sa ginawa ng pulis sa babae, isang netizen ang kumuha ng mga larawan ng insidente at ibinahagi ito sa social media. Walang mabuting gawa ang hindi napapansin ng mga tao at sa maliit lamang na oras, ang mga larawan ng pulis ay naging viral sa Facebook.

Isang popular na pahina sa Facebook ang nag-repost ng mga larawan at ngayon, umabot na ito ng higit sa 8,000 like mula sa netizens sa buong bansa! Ang seksyon ng mga komento naman ay puno ng mga positibong mga komento mula sa mga taong umantig sa kabutihan ng pulis.

Sa katunayan, hindi lahat ng mga bayani ay nakasuot ng mga kapa. Ang ilan sa kanila ay nagsusuot ng mga uniporme at mga badge.

Naging inspirasyon ba ang naging kilos ng pulis na ito sa inoy? Ibahagi ang iyong mga saloobin sa amin sa seksyon ng mga komento sa ibaba.