LOVELOVE CRYCRY OMGOMG WINWIN LOLLOL

Nanay, Binigyan ng Sulat sa papel ang Anak pagkatapos nitong Marinig Na Umiiyak Buong Gabi Dahil Sa Breakup!

Hindi lubos maiisip ni Maria Florine Vergara Pressman na maririnig ng ina ang kanyang iyak buong gabe at lubos na ikinatuwa ang ginawa ng ina upang mapagaan ang kanyang nararamdaman.

Kamakailan lang ay naranasan ni Maria Florine ang breakup na lubos na nagpalungkot at nagpaiyak sa kanya. Sa kanyang Facebook account, nag-post siya tungkol sa kung paano siya umiiyak buong gabe ngunit hindi niya alam na nakikinig na pala ang kanyang ina.

Kinabukasan nang nagising siya matapos ang isang buong gabi ng pag-iyak, nagulat siya nang makita niya ang isang dalawang 1,000 Peso bill na stapled at naka-attach sa kanilang refrigerator. Kasama ng pera ay isang letter mula sa kanyang ina dahil narinig siya ng marahil nitong umiiyak buong gabi.

Batay sa kanyang post, hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ng kanyang ina na nakaranas siya ng labis na kalungkutan. Nag joke pa si Pressman na kayang niyang masaktan kung ganito lamang ang kanyang makikita sa bawat gising niya sa umaga.

 

Ang simpleng bagay na ito ay nagpapakita lamang kung gaano kalaki ang pag-aalala ng isang ina sa kanyang anak na babae at kung gaano sila nagmamalasakit sa kanila. Sa halip na pagalitan, pinalakas niya ang loob ng anak at sinabihang lumabas kasama ang mga kaibigan upang bumaba ang kanyang kalungkutan.

Gayunpaman, mayroong ilang mga tao na may ibang pananaw tungkol dito. Hinuhusgahan ng ilang mga tao ang ina na walang kabuluhan ang kanyang ginawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera sa kanyang anak pagkatapos umiyak buong gabi. Ayon sa kanila, dapat kausapin at aliwin siya sa mga tradisyunal na paraan. Ngunit pinalakas siya ng ibang mga netizen sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanyang anak na babae sa mga komento.

Anu ang masasabi niyo sa pangyayaring ito? Sang ayon ba kayo sa ginawa ng ina?

This Guy’s Legendary Photoshop Skills Is Hilariously Awesome!

Teenager Shared Rude Experience After A Guy Blamed Her Father For Her Tanned Skin!